|
Post by scarlett on Feb 21, 2007 11:46:00 GMT 5
|
|
|
Post by E double D on Feb 26, 2007 13:56:40 GMT 5
|
|
|
Post by E double D on Feb 26, 2007 14:08:16 GMT 5
pagkain ni kambal na pinulot namin sa labas ng glorietta kay athis kay pangga pancake aba pang dugong bughaw ayan ang sa akin rice lang wala akong napulot na ulam huhuhu!!!
|
|
|
Post by E double D on Feb 26, 2007 14:15:47 GMT 5
kahit hindi na araw ng mga puso ngayon. post ko lang ang dating kong project sa school taas grade ko dyan di nila alam may pinagkopyahan ako dyan!hahahaha
|
|
|
Post by E double D on Mar 4, 2007 20:41:33 GMT 5
aba! aba Aba! uuwi kana pala ang pasalubong kong elepante ha!!!
|
|
|
Post by E double D on Mar 4, 2007 21:09:21 GMT 5
inuman na boss Ethan may pulutan narin
pinagsama sama namin ni bossing Ethan yan na tira tira tapos un na mukhang bagong bili na hahahaha
medyo nalasing kame kaya ayan... may tirang iniwan ang isang customer ng STARBUCKS alam nyo na nangyari dyan hehehe ;D
|
|
|
Post by E double D on Mar 26, 2007 10:43:33 GMT 5
[glow=red,2,300] MOMMYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY uwi na ako sa saturday! ok lang mmy na d mo ako masundo kasi i know na busy ka po. dami ko din pala dala eh. pasundo na lang ako kay kuya, i'll call you mmy pagdating ko sa pinas. I LOVE YOU
Kapuso kita kita po tayo sa pinas! EXcited na ako.. [/glow] nice naman uwi kana
enjoy your 1 week vacation baby
ang pasalubong ko galing pinas ha wak kalimutan! ;D
|
|
|
Post by M@Ldi+A on Apr 30, 2007 16:12:59 GMT 5
hayuf sa katamaran mga busabos na to kunsumisyon
|
|
|
Post by E double D on May 1, 2007 11:30:39 GMT 5
|
|
|
Post by M@Ldi+A on May 2, 2007 12:37:41 GMT 5
|
|
|
Post by E double D on May 2, 2007 15:35:44 GMT 5
|
|
|
Post by M@Ldi+A on May 7, 2007 15:02:19 GMT 5
juz wanna share this letter i received from my email very touchy specially dun sa mga anak na di naging mabuti sa kanilang mga magulang at para naman dun sa mga anak na pinatunayang they are worthy to be daughters and sons - my salute...kudos!
Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...
-Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles CWL Spiritual Director St. AugustineParish Baliuag, Bulacan
o tahan na... it isn't too late to tell your mom and dad you love them...
|
|