Post by Leah on Nov 21, 2006 16:50:01 GMT 5
Ang Mga Lalake Talaga, oo
(tugon kay redrope)
Ano ba itong si redrope?
Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake,
kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang
nagisa ang mga kabaro ko.
Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang
laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang laging
nawawalan at iniiwan.
Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang
malandi. Hindi pan gseryosohang relasyon. Marinig lang nila na
malakas kang magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon.
Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang
makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan
dapat disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente.
Tapos kami pa raw ang mahilig mamili? Parang baliktad yata?
Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka,
para habulin ka pa lalo. Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to
get" naman ang tingin sa iyo. Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may
sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural
lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na
iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang
sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong
bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo,
magtipid, magtiis. P ag nabili na at napagsawaan wala na, balewala
na. Diyan ka na sa tabi-tabi. Tawagan nalang kita pag trip ko o
kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo.
Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang naloob pa natin yun. Dahil
naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit
pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa
kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang
nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo "demanding" ka.
Meron ka pang maririnig na "I think we need space" at kung anu-ano
pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging
devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na
ang tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at
kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin. Kapag kayo gumawa
noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo iyon. Kaya
kami. Walang magawa. Magpapaka buro at magpapakamadre nalang. Kapag
nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala
namang ibang magagawa eh.
Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami
nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin
niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami.
Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman
kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming
magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa
yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung
minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati
yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag
umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga
artista?!
Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero
hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang
pagdradrama. Hindi nila kami maintindihan kapag nagseselos kami.
Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming
magmahal. Mas masarap.
Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na. Kami
pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang
lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba
ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag
sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues
na iyan. Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit
mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato. Wa-
epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.
Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki.
Magpapagawa ng kung anu- ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa
iyo. Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na
iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong
sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig
talaga.
Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila
laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.
Ang mga lalake talaga, oo.