Post by Putong_inamoyy on May 17, 2009 17:29:42 GMT 5
Ang mga sumususnod ay ipinasulat ng Hari ng barong-Barong na dapat natin gawin at sundin!
Artikulo 1: Para sa pagkain at kalusugan ang dapat lamang ay ang mga sumusunod:
Seksyon 1> Sa mga miyembro na gustong magsapin sa paa habang nangangalkal ng basura sa Tambakan ay hindi dapat “Rambo” ang brand ng sinelas bagkus gumamit lamang ng second hand na ispartan na nagamit ng Haring Busabos.
Seksyon 2> Ang bawat miyembro ay dapat isa lamang ang guwantes (glove) sa pagkakalkal ng basura sa Tambakan. (tipirin ito dahil mahal ang halaga)
Seksyon 3> Ang bawat miyembro ay dapat may timbang na hindi tataas 60 kilo para sa lalake at 30 kilo para sa babae. (Dapat lang na mapayat baka hindi kayo malimusan sa edsa at para iwas sa high blood)
Seksyon 4> Sa pag-uwi ng sabado ng gabi kung kakain ay dapat na amoy amoyin lamang ang ulam dahil linggo ay araw naman ng pahinga ninyo.
Seksyon 5> Sa araw ng linggo ay walang mamamalimos o mangangalkal dahil hindi kayo kakain ng araw na ito sapagkat ito nga ay araw ng pahinga.
Seksyon 6> Ang bawat miyembro ay dapat lamang kumain ng hapunan 2 beses sa isang linggo.
Seksyon 7> Sa hapag kainan ang bawat miyembro ay dapat lamang kumain ng 1000 piraso ng kanin sa tanghalian.
Seksyon 8> Kung may sakit ay wag na wag bibili ng gamot sa butika dahil tayo ay madaming herbal plant sa harap ng Barong-Barong. May mariwana, opyo at gandya. (mahigpit na pinagbabawal na gamitin ito kung walang sakit)
Ang mahuling gumamit ng walang sakit ay makikita ang kaparusahan sa Article 4 or General Rules:
Seksyon 9> Kung Tamaan naman ng sakit sa balat dahil sa pangangalkal sa Tambakan ay tapyasin ng kutsilyo ang bahagi ng balat na may impeksyon upang ito ay hindi na lumala.
Artikulo 2: Ang tubig ng Barong-Barong ay dapat tipirin.
Seksyon 1> Sa pagtu-toothbrush gamitin lamang ang tubig na naipanghilamos sa umaga o gabi.
Seksyon 2> Sa paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain, galing sa pangangalkal ng basura sa tambakan at paglilimos sa edsa gumamit lamang ng tubig na naipon galing sa ulan.
Seksyon3> Kung iinom pagkatapos kumain o galeng sa labas dahil sa palilimos at pangangalkal ang dapat lamang na inumin ay ang pinagmumugan sa umaga.
Seksyon4> Sa paliligo kung hindi makatiis na hindi makaligo sa isang araw ang dapat lamang na magamit ay hindi lalampas sa 500 ML o kalahating litro. Kung gusto ng mas madaming tubig o magsawa sa paliligo dapat ay mag intay ng tubig galing sa ulap.
Seksyon5> Kapag dumume sa kubeta ang pwede lamang na ipanghugas ay ang ikalawang hugas ng bigas. (mahigpit na ipinagbabawal ipanghugas ang tubig na ipinangmumog sapagkat maaring maimpesyon ang inyong ari-arian. Wala tayong pampa-ospital)
Seksyon6> Sa paghuhugas ng Kariton sa pangangalakal (car wash) ay dapat lamang na gamitin na tubig ay ang pinambanlaw sa paliligo.
Artikulo 3: Gamit para sa katawan
Seksyon 1> Ang deodorant na pwedeng gamitin ay ang tawas na ginamit sa pamemeke sa pagtutulak ng Bato (Shabu).
Seksyon 2> Gel na pwedeng magamit ay ang mga tirang kanin na dinurog na nilagyan ng tubig at kung may extra money ay pwede gumamit ng gawgaw, paste o glue na nabibili sa tindahan ni aling Nena.
Seksyon 3> Para sa mga Busabas na gustong mamula ang mga labi ay maaring pilipitin ang mga nguso o pitik-pitikin para mamula.
Seksyon 4> Para sa mga Busabas na gustong maglagay ng mas-kara sa kanilang mga pilik mata ay maaring gumamit ng uling na galing sa kawali lagyan lamang ito ng tubig para magamit.
Seksyon 5> Para sa mga Busabas na gustong maglagay ng kulay sa kanilang mga talukap sa mata ay maaring ipasapak sa mga Busabos para magkulay violet o ube.
Seksyon 6> Para sa mga Busabas na gustong mamula-mula ang kanilang mga pisngi ay pwede ipasampal sa mga Busabos para mamula at kung gusto naman ng mas matagal na pagkapula ay maaring magpainit ng kawale at idikit ang mga pisngi para mamula.
Seksyon 7> Kung gustong mag lotion ay maaring gumamit ng grasa na gamit mula sa ating kariton.
General Rules; Artikulo 4:
Seksyon 1>: Ang mahuling gumamit herbal plant ng walang sakit ay gagawaran ng parusang mga sumusunod:
>Unang pagkahuli: Hindi pakakainin ng tatlong araw o katumbas na tatlong daang piso (300 pesosesosess).
>Ikalawang pagkahuli: Hindi pakakainin ng isang linggo o katumbas na pitong daang piso (700 pesosesoses)
>Pangatlong pagkahuli: Hindi kakain ng sampung araw at may multang isang libong piso (1,000 pesosesoses)
>Panga-apat na pagkahuli: hindi kakain ng labing apat na araw at ibibigay sa mga mamayan o elitistang kontra sa masa para mata-matahin at ipahiya sa madla at may multang isang libo at limang daang piso (1,500 pesosesoses)
Seksyon 2> Lahat ng Busabos ay dapat nakasuot ng kanilang yuniporme sa araw ng sabado at lingo sa Barong-Barong.
Seksyon 3> Ang Bawat miyembro ay dapat naka-rehistro sa porum at mag-post o makilahok ng inyong agam-agam, kaalaman, kalokohan at kung anu-ano pa.
Seksyon 4> Maari lamang magdamit mayaman o elitista sa araw ng Lunes hanggang Biyernes pero maaari din gumamit ng Busabos Jersey kung mas komportable.
Seksyon 5> Sa tuwing mamamalimos sa edsa ay dapat may maiuwing hindi kukulang o mababa sa tatlong daang piso (300 pesosesoses)
Seksyon 6> Kada buwan ang bawat miyembro ay dapat ibigay ang kanilang sampung pursiyento (10%) sa kabuuan ng kanilang napalimusan sapagkat ito ang kanilang revolutionary tax.
Seksyon 7> Ang inyong mga karinton ay dapat na iparada sa tamang garahe nito.
Seksyon 8> Ang inyong mga hot wheels na kariton tulad ng BMW, Mercedez Benz, GMC, Chevolette, Ford, Chrysler, Lexus, Ferrari maging Honda v-tech leta ay dapat na linisan tuwing katapusan ng taon.
Ang mga sumusunod na inakda ay ipektibo sa Mayo dalawangpu’t tatlo, Dalawang libo’t sampu. (May 23, 2010)
Para sa inyong Katanungan, Kumento at Bayulenteng Reaksyon tumawag lamang sa numero bilang:
129-B-U-S-A-B-O-S-C-L-A-N toll free
Mag text sa numero bilang:
0063-129-B-U-S-A-B-O-S
Mag- email sa:
busabos_129_clan@yahoo.com
O mag post sa porum na ito!
Nagmamahal at Nanggugutom,
E double D A.K.A. King
Hari ng Barong-Barong
May 17, 2009