Post by E double D on Sept 1, 2008 12:31:01 GMT 5
Si Muning…
Siya ang alagang pusa ni Impong na ninong ni Dikong. Kung sino si Impong at kung sino si Dikong ay wag muna nating alamin sa ngayon. Sapat ng bigyang pansin natin itong si Muning.
Si Muning ay di karaniwang “pusakal” (pusang-kalye, in short). Siya’y may breeding. Lahing ‘persian cat” daw sabi ni Impong na ninong ko rin nga pala. Madalas nababanggit ni Ninong Impong ang kakaibhang ugali ni Muning. Para raw itong taong may isip at may pagka “spoiled brat” pa raw.
Sa tingin ko nga’y tama si Impong. Subalit higit pa riyan, may alalang nanunumbalik sa akin tuwing nakikita ko at pagmamasdan itong si Muning. Nagbabalik sa aking alaala ang unang obrang aking ginawa nung ako’y isang batang-musmos pa.
Nakagawian kasi ni Tatay noon na magdala ng “onion skin paper” sa tuwing uuwi siya ng bahay galing sa trabaho. Ito’y ibibigay niya sa akin upang gamitin ko sa pagbakat sa larawan ni muning mula sa isang coloring book o magazine. Sabi ng mga tiyahin at tiyuhin ko noon, “uuuyyy mukhang magiging mangguguhit ang anak mo Bing” (pangalan po ng aking Itay). Subalit sa tuwing tatanungin ako kung ano ang gusto ko paglaki, laging sagot ko ay “doktor po!”, na siyang karaniwang sagot ng mga bata noon.
Sa paglipas ng mga araw at taon nang ako’y nag-aaral na, naging paborito ko ang subject na “Science” kung saan ako’y nag-excel hanggang sa magtapos ako ng High School. Lahat ay umaasa noon maging ang aking mga guro na ako ay mahahanay sa alin mang sangay ng medisina kung hindi man isang doktor.
Subalit lingid sa kaalaman ng lahat, may ibang plano pala si Itay para sa akin. Gusto raw niya akong maging isang Abogado.. Pangarap daw niya iyon noon na gusto niyang ipasa sa akin.
Subalit ang pangarap nilang iyon ay mistulang nag-Gone with the Wind. Naiba ang ihip ng hangin. Nakatutuwa nga minsang isipin na kadalasan ang ating plano at pangarap noong tayo’y paslit na bata pa ay iba sa totoong nagaganap. Na para bagang may isang makapangyarihang Lumikha na siyang gumagawa ng “obra” para sa atin. Na kahit ano mang pilit natin upang makamit ang gusto o pangarap ay di ito ang nakapangyayari.
Nung ako’y mag-kolehiyo na, bilin ni Itay sa akin ay “kunin mo ay Accountancy” bilang paghahanda raw sa abogasiya. Subalit napakahaba ng pila noon sa Accountancy nang ako’y mag-e-enroll na. Nagkataon naman noon na ang katabi ng Accountancy ay yung kursong Architecture. At sa di maipaliwanag na kadahilanan ay napagpasyahan ko na mag-enroll sa katabing kurso. Nagulat si Inay na noon ay naghihintay sa akin sa waiting shed ng pamantasan. Tanong nya “paano mo nagawang matapos kagad samantalang napakahaba ng pila?” Ang sagot ko ay “yung katabi po kasing kurso ang kinuha ko.” “Inaku po! Lagot tayo sa Itay mo!” bulalas ni Inay sa pagkabigla. Subalit bilang suporta ni Inay sa akin, sabi nya na lamang “ikaw ang pumili niyan panindigan mo at tapusin”. At ngayon nga ako’y isang ganap ng Architect, at kasama ng aking maybahay na isang ring architect, ay nagtratrabaho rito sa Gitnang Silangan.
Habang minumuni-muni ko ang nakaraan, napagtanto ko na sadyang napakagaling magplano ng Diyos. Alam niya ang makabubuti sa atin. Alam ko na hindi ako ang pumili ng kursong kukunin ng mga sandaling iyon kundi Siya, sapagkat kundi dahil sa kursong ibinigay Niya sa akin, malamang ay di pa ko nakatapos ng panahong pumanaw ang aking Itay at wala sana akong nagamit na armas sa pagtaguyod ng naiwang pamilya. Abot-langit ang pasasalamat ko sa Diyos sa mga panahong itinuro Niya at dinala Niya ako kung alin ang nararapat.
Nararapat palang ang plano ng Diyos sa atin ang hanapin at hingin natin, pagka’t higit kanino pa man, Siya ang nakababatid ng makabubuti. “For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” Yan ang sabi Niya sa Jeremiah 29:11
Ngayon sa aking buhay may asawa, tanging dasal namin na sa bawat plano ng buhay nawa’y Siya ang laging manguna at hindi ang sa amin lamang.
At sa bawat plano ng buhay na di natutupad… lagi sana nating pakaisipin na may plano ang Diyos higit pa sa atin…sapagkat wala siyang ibang hangad kundi ang mapabuti tayo, bilang kanyang mga Anak….
Ang aking pagguhit pala kay Muning noon ay siyang simula ng maganda at mabuting plano ng Diyos sa akin.
Si Muning. May isa rin bang Muning sa iyong buhay?
Ang plano Niya ba o plano mo ang iyong pinili o tinatahak.
“Many are the plans in a Man’s heart, but it is the Lord’s purpose that prevails…” - Proverbs 19:21
Isang pagbubulay-bulay.
(Akda at kontribusyon ng aking inaanak ni Max Bringula)